Mon. Apr 12th, 2021
necktie

OFW TIPS: 7 mga Sikreto Upang Maging Mabuting Asawang Lalaki

Maniwala ka man o hindi, napakarami ngayong pamilya ang tinatawag nating “dysfunctional” o “broken family” bunga ng hindi maayos na pagsasama ng mag-asawa.

Hindi natin sila dapat husgahan pero maaaring mayroong mga ilan dahilan kung bakit naghihiwalay ang mag-asawa. 

Maaaring ito ay dahilan sa kawalan ng tiwala sa isat-isa, walang maayos na komunikasyon dahil sa long distance relationship, pagkakaroon ng ibang relasyon, problema sa pera, hindi pagkakasundo, at marami pang iba.

Nakakalungkot isipin subalit sa tuwing maghihiwalay ang mag-asawa, ang kalimitang naaapektuhan ay ang mga anak. 

Hindi ito natin kaagad mapapansin ngunit ito ay nagdudulot ng ilang mga problem sa mga bata pagdating ng panahon. 

Ang problema, hindi naman itinuturo sa paaralan kung paano ang maging mabuting asawa o kung paano pumili ng maayos na mapapangasawa. Narito ang 7 mga sikreto kung nais mong maging mabuting asawang lalaki sa iyon kabiyak. 

Ito ay galing sa salitang “Necktie” na isang acronym para madali mong matandaan.

Ang tawag sa sikretong ito ay “NECKTIE Approach” na aking binuo upang makatulong sa maraming pamilyang Pilipino na naghahanap ng gabay upang mapaunlad ang relasyong mag-asawa.

Never stop courting and dating your wife

Bulaklak. Tsokolate. Relo. Celphone. Pabango. Ito ang ilan lamang sa mga bagay na ibinibigay mong pangregalo sa isang babae para makamit mo ang matamis na “oo.” 

Pero nang mapasagot mo na sya, tumigil ka nang manligaw. Kung dati ay “sweet” sa asawa, ngayon naging mapaiit na ang pagsasama. 

Kung nais mong maging mabuting asawa, huwag hang tumigil na manuyo sa kanya. Gawin mo ito kahit parehong maputi na ang inyong mga buhok. 

Ensure you are proactive in managing finances 

Sang-ayon sa pag-aaral, ang kalimitang dahilan ng pag-aaway ng mga mag-asawa ay dahilan sa pera. Kung laging kapos sa pera, madalas na nagtatalo ang mag-asawa. 

Pag-usapan nyong mag-asawa kung sino ang maghahawak ng pero at kung paano ang pagba-budget na dapat gawin. 

Kung ikaw ay responsable, tiyak na maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan. 

Compliment and uplift her spirit

Huwag mong kalimutang purihin at pasalamatan ang iyong asawa. 

Minsan, dahilan sa sobrang abala natin sa ating mga trabaho, nakakalimutan na nating i-appreciate ang ating mga asawa. 

Kung hindi nya nararamdaman ang pagmamahal, maghahanap sya ng outlet upang mailabas nya ang kanyang sama ng loob sa social media o kaya ay sa kapit-bahay. 

Kiss and hug your wife

Ang paghalik at pagyakap sa iyong asawa ay nakakatulong upang gumaan ang iyong pakiramdam. 

Sa katunayan ang pagyakap sa iyong asawa ay nakakapagpababa ng cortisol o stress level. 

Sa katunayan, ito ay bahagi ng physical intimacy na nakakatulong upang maging maayos ang pagsasama ng mag-asawa.

Think about resolving conflict soon 

Normal naman sa mag-asawa ang hindi pagkakaunawaan. Subalit mabuting pag-usapan agad ito upang hindi na lumala pa. Ang sabi nga nila, lunukin mo na lang ang pride mo. 

Ang paalala pa nga sa atin ng Bibliya ay huwag tayong matutulog na hindi naaayos ang hindi pagkakaunawaan. 

Ibig sabihin, huwag hayaang lumubog ang araw na ikaw ay galit pa rin sa iyong asawa. (Efeso 4:26)

Improve your listening skills

Ang akala ng marami, ang pagtataas ng boses ay patunay na ikaw ang may mas kontrol. 

Pero ang totoo, ang pagsigaw ay nakakababa ng respeto. Sa halip na makipagtalo, matuto kang makinig. 

Mahihirapan kang maunawaan ang iyong asawa kung hindi ka makikinig na mabuti. 

Ito ang dahilan kung bakit dalawa ang ating tainga at isa lang ang ating bibig.

Enhance your spiritual leadership

Ang pinakahuli at napaka-importanteng elemento ng Necktie Approach ay ang pagiging maka-Diyos. 

Ang isang tahanan kung saan inuuna ang Diyos ay isang sikreto para sa maayos na pamilya. 

Huwag kamilutan ang mag-aral ng Salita ng Diyos at manalangin ng sama-sama. Ito ang susi upang mapagyabong pa ang inyong relasyon biland mag-asawa. 

Tandaan, walang taong perpekto kaya kailangan nating lawakan ang ating mga pananaw sa isat-isa. Sana ay nakatulong sa iyo ang summary o ang pinakabuod ng Necktie Approach. 

Kung nais mong basahin ang aking aklat na ito, maaari mo itong mabili sa Amazon.

Richly blessed,

jun amparo

JUN AMPARO is the author of two inspirational books about personal finance and marriage.  He is a nominee for Huwarang OFW 2019 organized by The 700 Club Asia and is pursuing his doctoral study in education. Presently, he is working as a university counselor and instructor at Asia-Pacific International University in Thailand.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.