Tue. May 11th, 2021
national id

National ID online registration

Ang national id at kagaya din ng Iqama o bataka sa Middle East, national identity card ng Hong Kong o Singapore, etc. Ito ay ang magiging isang pruweba ng iyang pagkakakilanlan na ikaw ay Filipino o isang dayuhan na naninirahan sa Pilipinas.

Para lang ba ito sa mga Filipino citizen?

Hindi. Para po ito sa lahat ng naninirahan sa Pilipinas, kasama na ang mga dayuhan na may legal na nasa Pilipinas.

National ID online registration

Papano mag register online?

Step 1: Ang aplikante ay dapat mag rehistro ng kanyang impormasyon sa PSA online portal para sa National ID registration. Kasama na dito ang mga sumusunod:

  • Buong pangalan / Full name
  • Kasarian / sex
  • Araw ng kapanganakan at lugar / Date and place of birth
  • Uri ng dugo / blood type
  • Address

register here: https://register.philsys.gov.ph/

Kasama din sa pwedeng hingiin na impormasyon ay ang iyong marital status, mobile number at ang iyong email address.

Pagkatapos mailagay ang iyong detalye, makakapag set ka na ng iyong appointment ara sa physical na pag re-rehistro sa registration center para sa susunod na step.

Step 2: Dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na mag re-rehistro ka, kakailanganin ang biometric information, kasama dito ang fingerprint, iris scan at ang pagkuha ng picture sa registration center sa araw ng iyong appointment.

Step 3: Pag issue ng PhilSys Number (PSN) and PhilID

“Ang inyong PSN at PhilID ay ide-deliver ng PHLPost sa inyong tahanan! Paalala lamang po na huwag i-post sa social media ang inyong PhilID dahil ito ay naglalaman ng inyong personal na impormasyon,” said PSA in an online post.

(Your PSN and PhilID will be delivered to your address by PHLPost. Refrain from posting your PhilID on social media as it contains personal information.)

Saan ang mga physical na registration centers?

Ayon sa PSA, maglalagay sila ng fixed at mobile registrations centers at kasalukuyan silang nakikipag ugnayan sa mga ibat-ibang kawani ng gobyerno at mga pribadong sektor para madetermina ang mga lokasyon.

Maglalabas mg eksaktong lokasyon kung saan pwedeng makapag rehistro.

Magkano ang babayaran sa pagkuha ng PhilID? Wala po, Libre po ito. Maliban na lang kapag nasira or nawala mo ang iyang PhilID at kung ikaw ay merong Certificate of Indigency.

Ilang taon ang expiration ng National ID? Ang PhilID ay walang expiration para sa mga Pilipino at para naman sa mga reident aliens ay 1-taon ang validity.

Ano-anong mga dokumenta ang maaring ipresinta?

  • PSA-issued Certificate of Live Birth AND one (1) government-issued identification document which bears the full name, front-facing photograph, and signature or thumb mark.
  • DFA-issued Philippine Passport or ePassport;
  • GSIS or SSS-issued Unified Multi-purpose Identification Card (UMID);
  • Land Transportation Office (LTO)-issued Student’s License Permit or Non-Professional/Professional Driver’s License
  • Secondary Documents:
  • PSA-issued Certificate of Live Birth/NSO-issued Certificate of Live Birth with Birth Reference Number (BreN)
  • LCRO-issued Certificate of Live Birth
  • PSA-issued Report of Birth
  • PSA-issued Certificate of Foundling
  • Integrated Bar of the Philippines (IBP) Identification Card
  • Professional Regulatory Commission (PRC) ID
  • Seaman’s Book
  • Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ID
  • Senior Citizen’s ID
  • SSS ID
  • Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ID
  • License to Own or Possess Firearms (LTOPF) ID
  • NBI Clearance
  • Police Clearance/ID
  • Solo Parent’s ID
  • PWD ID
  • Voter’s ID
  • Postal ID
  • Taxpayer Identification Number (TIN) ID
  • Philhealth ID
  • Philippine Retirement Authority (PRA)-issued Special Resident Retiree’s Visa (SRRV)
  • National ID from other countries
  • Residence ID from other countries
  • Meanwhile, the following identification documents will also be considered secondary supporting documents as long as it has a front-facing photograph, signature/Thumbmark, Full Name, Permanent Address, and Date of Birth.
  • Employee ID
  • School ID
  • Barangay Clearance/Certificate
  • Barangay ID
  • City/Municipal ID

Source: PSA Philippine Identification System

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.