Tue. May 21st, 2019
karapatan

Ito ba ang listahan ng mga karapatan ng isang kasambahay?

ITO RAW ANG KARAPATAN NG MGA KASAMBAHAY SA SAUDI,ANG TANONG NASUSUNOD BA?

LABING-APAT (14) NA KARAPATAN NG MGA NAMAMASUKAN BILANG KASAMBAHAY SA SAUDI ARABIA

Kung ikaw ay namamasukan bilang Kasambahay dito sa Saudi Arabia, ito ang iyong mga KARAPATAN sa ilalim ng batas ng Kaharian ng Saudi Arabia:

1. MALINIS AT SAFE NA TULUGAN AT TAMANG PAGKAIN. Obligasyon ng iyong employer na bigyan ka ng malinis at safe na tulugan at tamang pagkain (at pati na rin pagkain sa tamang oras).

2. TAONANG BAKASYON (ANNUAL LEAVE). Karapatan mo na humingi ng isang buwan na bayad na bakasyon (1 month paid leave) kapag may 2 years ka ng nagtratrabaho sa employer mo.

3. ISANG ARAW NA PAHINGA KADA LINGGO (ONE-DAY OFF). Karapatan mong humingi ng isang araw na pahinga sa isang linggo (one day’s holiday in a week) maliban na lang kung mayroon kayong ibang kasunduan ng employer mo.

4. ORAS NG PAHINGA KADA ARAW: May karapatan ka actually na bigyan ng at least siyam na hours na pahinga sa loob ng isang araw maliban na lang kung mayroon kayong ibang kasunduan ng employer mo.

5. SICK LEAVE: Karapatan mong humingi ng bayad na sick leave (paid sick leave); ngunit, ang sick leave ay hindi maaaring humigit sa 30 days sa loob ng isang taon. Kailangan mo ding magpakita ng medical certificate bilang patunay na kailangan mo talagang mag-sick leave.

6. MEDICAL CARE: Kung ikaw ay magkasakit, obligation ng iyong employer na patignan ka sa doctor o dalhin sa hospital kung kinakailangan.

7. NAPAGKASUNDUANG TRABAHO. Hindi ka pwedeng bigyan ng trabaho na iba sa nakasaad sa iyong employment contract. Hindi ka din pwedeng patrabahuin sa ibang tao maliban sa “necessary cases” at ang ipinapagawa na extra na trabaho ay hindi naiiba sa uri ng trabaho na nakasaad sa employment contract mo.

8. DELIKADONG TRABAHO. Hindi ka maaaring bigyan ng trabaho na risky o harmful sa iyong kalusugan at seguridad, o maaaring magdulot ng negative na epekto sa iyong dignidad.

9. SUB-CONTRACTING: Hindi ka maaaring i-subcontract sa ibang employer (meaning, papabayaran ang pagtrabaho mo sa iba at ang employer mo ay tatayo bilang parang agency din).

10. SAHOD: Data bayaran ng employer ang sahod mo sa katapusan ng bawat buwan sa Islamic calendar, maliban na lang kung mayroon kayong ibang kasunduan ng employer mo.

11. URI NI SAHOD: Ang iyong suweldo ay dapat bayaran sa pamamagitan ng cash o tseke lamang at dapat may resibo ito. Karapatan mo ding hilingin na i-transfer ng employer mo ang iyong suweldo sa isang bank account sa Pilipinas o ibang bansa.

12. MGA KALTAS SA SUWELDO: Hindi maaaring kaltasan ang suweldo mo maliban sa mga sumusunod na kadahilanan:

a. Katumbas na halaga ng mga gamit ng employer na nasira dahil sa iyong kapabayaan or sadya mong sinira;
b. Kung may inadvance ka na pera sa employer mo; 
c. Kung may administrative decision or court judgment laban sa iyo at ipinag-uutos ng korte na ito ay kaltasin sa iyong sweldo maliban na lang kung ang deduction ay lalampas sa kalahati ng iyong suweldo .

13. END OF SERVICE BENEFITS. May karapatan ka na tumanggap ng tinatawag na End of Service Benefits (ESB) na katumbas ng isang buwan na suweldo sa bawat apat na taon na deretsong paninilbihan mo sa parehong employer. So, kung ikaw ay nakapagtrabaho sa isang employer ng deretso for 12 consecutive years, karapatan mo ang tumanggap ng ESB na katumbas ng tatlong buwan mong sahod.

14. GASTUSIN PARA SA REPATRIATION AT DEPORTATION NG KASAMBAHAY: Kapag expired na ang employment contract o kinansela ito ng employer ng walang valid na kadahilanan, ang employer ang magbabayad ng total cost ng pagpapauwi sa iyo sa Pilipinas.

PARUSA SA MGA EMPLOYER NA LALABAG SA MGA NASABING KARAPATAN NG KASAMBAHAY:

– MULTA na nagkakahalaga ng SR 2,000;
– PAGKA-SUSPENDE NA MAG-HIRE ULIT ng kasambahay sa look ng isang taon;
– For second-time offenders: Multa na SR 5,000 at suspension for three years
– For third-time offenders: Lifetime recruitment ban at multa na SR 10,000.

ALAM KO NA MAGANDANG BASAHIN SA PAPEL ANG MGA KARAPATAN NA ITO PERO NAPAKAHIRAP I-MONITOR KUNG SINUSUNOD TALAGA NG MGA IBANG EMPLOYERS.

ANG PAKAY KO SA PAGLALATHALA NG MGA KARAPATANG ITO AY UPANG MA-EDUCATE ANG ATING MGA KASAMBAHAY UPANG SA GANOON AY MAS ALAM NILA KUNG PAANO MAKIPAG-USAP SA KANI-KANILANG MGA EMPLOYER KUNG SA PAKIRAMDAM NILA AY SILA AY DINEDEHADO.

I-SAVE SA CELLPHONE O ISULAT ANG MGA KARAPATANG ITO SA ISANG PAPEL PARA MADALI ITONG TIGNAN KUNG KINAKAILANGAN.

AT KUNG MAY VIOLATION, I-TEXT O ITAWAG KAAGAD SA KONSULADO O POLO-OWWA PARA SA AGARANG ACTION:

KONSULADO: +966 55 521 9614
+966 12 619 0997
E-mail: ans@pcgjeddah.org

POLO-OWWA: +966 56 981 9720
E-mail: polojeddah2018@gmail.com
owwa_jeddah@yahoo.com
(Repost)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.