OFW Staff

10:32 am

GF patay sa saksak sa boyfriend na nakilala sa Facebook

Filipina OFW from Saudi Patay matapos pagsasaksakin ng kanyang syota sa loob ng isang motel matapos silang magtalo ng hindi matanggap ng biktima ang ipinagtapat ng suspect na meron na syang pamilya.

Ayun sa pamilya ng biktima, hindi nila alam na umuwi ng Pilipinas si Sarah. Mayo 9, ng nalaman ng pamilya ni Sarah kaluns-lunos na sinapit nito sa kamay ng kanyang boyfriend na si Cesar Sullivan Jr.

Ayun sa balita, nagkita ang dalawa noong May 5 at nag check in sa isang motel sa may Barangay Bagasbas.Dito natagpuan ang banggay ng biktima matapos pasukin ng empleyado ng motel ang kanilang kwartong pinagtutuluyan.

Nakita nila ang biktima na nakabalot ng kumot sa ilalim ng kama at agad silang tumawag ng pulis para maimbestigahan ito.

Agad namang sumuka ang suspect na si Cesar. 48 taong gula at may 6 na anak.

Ayun sa kanya, hindi na kinaya ng kanyang konseya kaya sya sumuko.

Base sa report, nagkakilala ang dalawa sa Facebook, kung saan nagpanggap noong una itong si Cesar na isang army officer at kalaunan ay nagkakilala na sila ng lubusan at naging magkasintahan.

Tubong Davao del Sur si Sarah Mar Cbatingan, 32-anyos at nagtatrabaho sa Dammam, Saudi Arabia.

Huwag po tayong basta bastang sasama kung hindi po natin kilala ang buong pagkatao neto.

Sources: ABS-CBN | Camnortenews | 109 Brigada News

Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *