Tue. Dec 11th, 2018
filipino worker hope

A Story of Hope And Survival, OFW From Saudi Shared Challenges Faced Abroad 

Being an Overseas Filipino Worker is a sacrifice that one can do for his family. They are regarded as our modern hero for they have endured hardships and continuous the fight wholeheartedly.

An OFW, Calma Gallano Rose shared the success story of her journey of working in Saudi Arabia.

In her long post, she kept her story detailed and how she surpassed all the hardships that she had to go through- physically, mentally, and emotionally.

Keeping The Faith

A story of hope and survival, Rose left her husband and family to work abroad. To provide something on the table and give them a good life, she opts to work overseas. She left her kids at a very young age and her husband who looks after them.

OFW hope survival

Leaving For Work

When she successfully processed her papers and arrive at Saudi, armed with faith to God that everything will be alright, she finally able to land to her employers after a month of being passed onto different homes.

First Challenge

She was brought to Egypt where her employers have hectares of land and several houses. They do the dirty work each day, tending to the farm and cleaning the house.

Busy and exhausted, challenges came in when her kid got hospitalized. According to Rose, she had to plead and convince her employers to let her leave the country and go back home but they never heard her.

After months of staying in Egypt, she was brought back to Albaha, Saudi, still with her old same employer, tending their farm and cleaning the house.

OFW hope saudi

The Typical OFW

Rose is also a typical OFW who experienced to have her home broken due to a long-distance relationship with her spouse. This is what she believes her biggest challenge in life, however not clearly detailed.

Eventually, she lost her husband but with the fact that her little angels are still with her, it keeps her sane and moves on with life.

She then claims that surviving abroad and away from the family isn’t easy. But with faith to God, and her family by her side, suicide didn’t get through her.

Rose left an advice for every OFW experiencing the same situation to just bear it all, the challenges and the hardships at work as long as their employer is not lifting a finger on them.

OFW story working to survive

Post

Read her post here:

HELLO PO Sa mga admin. PERMISSION to Post po. GUSTO KO LANG E SHARE AND JOURNEY KO DITO SA SAUDI para maka inspire dun sa mga baguhan na nag e struggle in terms sa pagkain, tulog, pagod at homesick. MASYADO PO MAHABA ANG KWENTO KO KAYA ihanda po ang mata sa pagbabasa

Tulad po nang karamihan, isa akong nanay at asawa na sumugal dito sa ibang bansa para sa kinabukasan nang mga anak at pamilya. Dumede pa lang bunso ko nang nag process ako mga papeles ko. 1yo (youngest), 3yo (eldest) yan edad nila nang iwan ko sila. Gaya nang karamiha na umalis d alam ang mga gawaing bahay gaya nang pagluluto (umaasa lang sa luto nang asawa), di alam maghiwa nang sibuyas at manok (grabeng sugat at luha ko dito), d knows ang pamamalantsa (kasi si nanay ang gumagawa dati), etc. Pero sumugal pa din.

Her3 we go. Excited at kabado sa araw nang alis. Lagi ko sabi nun tapang lang nang loob to kaya ko to samahan na din nang dasal. Pinakahuli akong sinundo sa airport nang mga kasabayan ko. Kinakabahan ako dahil mag isa na lang ako ta bigla tinawag . Isang makaking mama na kalbo ang sumundo sa akin. Sa sasakyan pa lang kami kinumusta na niya ako at pinatawag sa pamilya ko. Akala ko siya na amo ko. D pa pala. Hinatid ako sa ibang bahay, kala ko yun na mga amo ko d pa rin pala. 1 buwan nila ako pinagpapasapasahan hanggang pina byahe ako papuntang albaha kasama naman ibang tao sa sasakyan sa ala una nang madaling araw. Imagine , yung isang buwan na pakikibagay d pa pala yun , bagong pakikisama na naman. Dun nakita ko ang gusgusing lalaki na sumalubong sa amin (amo ko). 1 linggo lang ako sa albaha dinala ako sa egypt(pero binigyan nila ako cp at wifi). Sobrang kaba ko nun dahil uso ang balitang bentahan. Nagtagal kami sa egypt nang anim na buwan. Katakot takot na linisin sa napakadami nilang bahay na pinarerentahan. Dun ko naranasan ang unang pagsubok.

Jan 2017, sinugod sa ospital ang bunso ko at na oxygen. Yung feeling na nanay ka pero wala kang magawa dahil nasa malayo ka. Nakiusap ako nuon, umiyak sa harapan nila, nagmakaawa na pauwiin nila ako (6mos na ako sa kanila)pero matigas talaga sila. Di ko malilimutan ang sabi nila sa akin, “Bago ka umalis,alam mo na posibleng may mangyari na ganito dapat handa ka na, na pwedeng may mamatay at d ka makakauwi dahil lahat naman tayo ay mamatay. Kung magpupumilit ka bayaran mo kami sa ginastos namin sayo almost 40k riyal”. Saan ako kukuha nang ganun ka laking halaga. Kaya wala akong choice kundi tanggapin ang tulong nila na 500sr kasi d rin talaga nila ako pauuwiin. Mabait po sila pero dahil sa walang anak kaya matigas ang puso d marunong makisimpatya.

Fastforward…
Binalik ulit ako sa albaha , dito ang pangalwang pagsubok. Akala ko magiging ok na pero katakot takot na pagod pala nag aantay sa akin. KATULONG ako pero NAGBUBUKID kami. Nagbubunot nang damo, nagpapatubig sa prutasan nila, nagbubungkal nang lupa, naghuhukay nang puno, naglalagari nang puno, nagpapataba nang lupa gamit ang dumi nang carnero, nagpapastol nang karnero, nagpapakain nang baka at manok, nagkakarton nang roman, etc. Almost 5hectares ang lupain nila. Kasabay namin nagbubukid ang 2 manggagawang lalaki na egyptian (more photos of proof in my album). Sa loob nang 7 na buwan yan po ginagawa namin.

–6 mos. Egypt, 7 mos. Albaha (paulit ulit every year)–

Gaya nang typical na OfW naranasan ko din ang mawasak ang pamilya. Kapalit nang sakripisyo ay uuwi kang d na buo ang pamilyang inangatan at inalagaan mo. Pero lalaban at lalaban ka pa rin para sa mga anak mo. (MAY NAGTATANONG PO SA PART NA TO)

PANGATLONG PAGSUBOK na hanggang ngayon pilit ko pa ring nilalagpasan. Feb 14,2018, ito yung araw na nagpaguho sa mundo ko. NAKAKABALIW ang sakit. Di ko sinasadyang may matuklasan na nagdulot sa akin nang di mapapantayang luha. Yung masarap magwala at magmura kasi pagod ka na nga at nag sakripisyo kapalit palay pagkasira nang inyong masyang pagsasama. (Di ko madetalye lahat pagkat ayaw ko isapubliko ang pinaka sensitibong parte nang buhay ko.) Isa lang ang lagi kong paalala sa sarili ko para d umabot sa puntong sumoko. Nasaktan ka man ngayon pro d ibig sabihin katapusan na nang mundo mo. Paghugutan mo nang lakas yung mga taong totoong nagmamahal at anjan para sayo. Kaya may nawala man sa buhay ko, ang mahalaga nasa akin mga anghel ko. Kaya sa mga nasaktan na andito at inisip magpakamatay, isang napalaking WRONG TURN nang buhay mo yan. Labanan mo ang sakit at makikita mong may magandang bukas na nag aantay. Know our worth!

Sa awa nang Diyos kabayan nalagpasan ko lahat nang yan at pauwi na ngayong buwan. Kaya sa nga nahihirapan jan isipin niyo na lang d kayo nag iisa. Pare pareho lang tayo tira2 nila at khubos ang kinakain. Kung pagod ang pag uusapan buti pa kayo nasa loob lang nang bahay di naarawan. Kami pagkagising nang alas 6:30 linis nang 2 palapag na bahay mga dalawang oras tas lusong sa bukid hanggang alas 11:30 minsan kahit alas 12 nasa bukid pa lalot nagpapakarton nang roman. Tas uwi para magligpit sa kusina , bantay nang unggoy, tas tulog kalahating oras tapos lusong ulit sa bukid para magdamo. Mahirap pero kesa e reklamo ko na kunti lang ang chnasa na maaksyonan mas maiging pag tiisan ang mahalaga d tayo sinasaktan.

Hanggang dito lang po. Xenxa napahaba.

Sample pic below. if u want to see more visit my profile. Andun sa album lahat. Fighting!!!. Mabuhay lahat nang OFW. !!

P.S. EDIT KO LANG PO.. NAGDAGDAG PO AKO PHOTOS PARA SA NAGSASABING GAWAGWA LANG DAW TONG KWENTO KO AND NAG SESELFIE LANG KAMI SA FARM NANG AMO KO. DALAWA LANG TALAGA KAMI YANG BABAENG KASAMA KO SA UNANG PIC AT KUNG MAY IBA PO KAMING NAKAKASAMA MGA KATULONG NANG ANAK NANG KAPATID NANG AMO KO NA NAGBAKASYON LANG.

Tnx sa pagbabasa. TNX GOD PAUWI NA KwentongOFWko

sanggi saudi

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.